Sunday, October 11, 2015

Suplay
- ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyon na nais at handing ipagbili ng mga negosyante sa pamilihan sa magkakaibang presyo sa isang takdang panahon

Iskedyul ng Suplay
- ang talaan na nagpapakita ng relasyon sa pagbabago ng presyo at pagbabago ng suplay

Kurba ng Suplay
- grapikong paglalarawan ng relasyon sa pagbabago sa presyo ng suplay

Kaugnayan ng suplay sa presyo ng kalakal at paglilingkod
Kapag mataas ang presyo ng isang bilihin tataas ang dami ng produktong handing ipagbili sa isang takdang panahon. Kapag mababa ang isang presyo ng bilihin, bababa rin ang presyo ng produktong nais ipagbili sa isang takdang panahon.

Elastisidad ng Presyo ng Suplay
-pagsukat sa bawat porsyentong pagtugon ng dami ng suplay sa pagbabago ng presyo

a. Elastiko- kung ang pagbabago ay higit sa isa
b. Di- elastiko- kung ang pagbabago ay maliit sa isa
c. Unitary- kung ang pagbabago ay eksaktong isa
d. Perfectly Elastic- walang hanggang dami sa isang presyo
e.Perfectly Inelastic- parehong dami sa iba’t ibang presyo
Pagtulay sa Kurba ng Demand

Ang epekto ng presyo at ibang salik ng DEMAND ay mailalarawan sapamamagitan ng GRAPH. Ang pagbabago sa presyo kungtumataasman o bumababa ay nag papakita ng pagbabago sa dami ngproduktong gusting bilhin ng konsyumer.

Pagbabago ng Kurba ng Demand:
Kung ano ang presyo ay di magbabagomakikitaang pag babago ngkurba ng demand bunga ng iba’t ibang salik. Mag reresulta angpagbabago ng demand mula sa kanan papuntang kaliwa o VICE VERSA.
Batas ng Demand

Ang batas ng demand ay nagsasaad na habang ang presyo ng produkto ay tumataas, kakaunti ang bibilhing produkto ng mamimili. Ngunit kapag ang presyo ay bumababa, maraming produkto ang bibilhin ng mamimili habang ang ibang salik ay hindi nagbabago. Sa nasabing batas, presyo lamang ang nakaaapekto sa demand. Ito ay naglalarawan ng di-tuwirang relasyon ng Qd at presyo.
MARKET DEMAND

Kapag ang indibidwal na demand ng mga mamimili ay pinagsama-sama ay makukuha ang market demand. Ipagpalagay na mayroong tatlong konsyumer ng produktong guyabano sa pamilihan. Tingnan ang talaan upang makita ang market demand.


Mapapansin na kahit mataas ang presyo ng guyabano, may dalawang mamimili ang handang bumili ng guyabano. Kahit may mamimili na bumili ng produkto sa mataas ang presyo o wala. Ang ugnayan ng presyo at Qd ay hindi nagbago sa market demand. Kapansin-pansin din na sa pag-alam ng market demand ay makikita ang d-tuwirang relasyon Qd at P. Nangangahulugan ang market demand curve ay makikita sa anyo ng downward sloping.

Demand Schedule

~ ang dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng mamimili sa alternatibong presyo sa isang takdang panahon ay ipinapakita ngdemand scheduleIto ay isang talahanayan na nagpapakita ngdemand ng mamimili sa bawat lebel ng presyo.

May paraan upang matsek kung tama ang presyo, kung Qd ng gagamitin. 
Halimbawa, sa equation na Qd = 400 - 5P. Ibawas ang ibinigay na Qd na 25 sa 400 at i-divide ang 375 sa 5. Ang presyo ay ₱ 75.00

400 - 25 = 375/5 = 75


Kung ang Qd ay 50, ibawas ang 50 sa 400 at i-divide ang 350 sa 5. Ang presyo ay  ₱ 70.00


400 - 50 = 350/5 = 70 

DEMAND FUNCTION


- ito ay nagpapahayag ng mathematical equation ng dalawangvariables:

Qd (Quantity Demand) =  dependent variables
P ( Presyo) = independent variables ; kung saan ang Qd ay nagbabago sa bawat pagbabago ng P


Ang Mathematical Equation ay:



Demand
- tumutukoy ito sa dami ng produkto at serbisyong nais at kayang bilhin sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon


Kaugnayan ng Demand sa Presyo ng Kalakal at Paglilingkod

Ang kurba ng demand ay pabulusok kapag mababa ang halaga ng produkto maraming konsyumer ang makabibili kaya’t maraming produkto at serbisyo ang mabibili. Subalit kapag ang presyo ay mataas , mababa ang kakayahang makabili o hindi na makabili ang maraming konsyumer.Kapag mababa ang presyo malaki ang demand, subalit kapag mataas ang presyo ay nanaisin na lamang na bumili ng alternatibong pamalit.


Iskedyul ng demand

- ito ay isang talaan na nagpapakita ng bilang ng isang produkto batay sa inilaang presyo
Kurba ng Demand
- ito ay isang grapikong paglalarawan ng presyo ng bilihin at demand
Elastisidad ng Presyo ng Demand
-pagsukat sa bawat pursyentong pagtugon ng dami ng demandsa pagbabago ng presyo,





Mga Uri ng Elastisidad ng Demand
a. Elastiko-
 kung ang pagbabago ay higit sa isa
b. Di-elastiko- kung ang pagbabago ay maliit sa isa
c. Unitary- ang pagbabago ay eksaktong isa
d. Perfectly Elastic- isa lamang ang takdang presyo sa iba’t ibang dami ng dami ng demand
e. Perfectly Inelastic- isang takdang dami ng produkto sa iba’t ibang dami ng demand
 Demand 


Ano ang  Demand? Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na kaya at handang bilhin ng mga konsyumer sa alternatibong presyo sa isang takdang panahon. Ang presyo ay may malaking impluwensya sa pagtatakda ng demand ng mga konsyumer. Ang demand ay maitatakda kung ang konsyumer ay may kakayahan at kagustuhan na bilhin ang isang produkto o serbisyo. Ito ay kailangang sabay na umiiral upang maitakda anddemand ng konsyumer, na siyang pangunahing aktor ng konseptong ito. Sinasabing ang demand at presyo ay laging magkaugnay at ito ay mailalarawan sa iba't ibang paraan.

KAGUSTUHAN + KAKAYAHAN
 DEMAND